Ayon kay Echiverri, ang kanyang kautusan ay base na rin sa Ordinance No. 0391 na ipinatupad noong January 9, 2005 na nagmula sa Republic Act 7160 ng Local Government Code ng 1991 na nagsasaad na ang city hall ang magbibigay ng sapat na transportation facilities na kinabibilangan ng maayos na daloy ng trapiko sa buong kalsada at tulay sa lungsod.
Nakasaad din sa RA 7160 na ipinag-uutos sa Sangguniang Panglungsod na gamitin ang lahat ng streets, avenues, alleys, sidewalks, bridges, parks at iba pang pampublikong lugar na gawing bus stop at terminal upang magamit ng mga motorista at residente kapag ito ay hindi ginagamit.
Sinabi pa ng alkalde na ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyang pampubliko at pampribado ay ang nagiging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lahat ng kalsada sa lungsod kayat nararapat na bigyan ito ng kaukulang pansin ng local na pamahalaan.
Aniya, ang pagsisikip ng daloy ng trapiko ang isa sa nagiging dahilan ng mabagal na pag-unlad ng ekonomiya dahil na rin sa magiging diskomportable ang mga motorista, partikular ang mga negosyante.
Dahil dito, ipinasya ng mga local na opisyal na bumuo ng bagong Traffic Management Code na magsasaayos ng magandang daloy ng trapiko at upang mabigyan din ang mga motorista, commuters at publiko ng lugar upang makakakilos nang maayos.
Idinagdag pa ni Echiverri na ang pagkakaroon ng magandang traffic management ang magiging daan upang hindi mahirapan ang mga negosyante sa pagde-deliver ng kanilang mga produkto at upang lalo pang mapalawak ang trade and industry sa lungsod.