^

Bansa

Warrant vs 4 GIs inisnab!

-
Inisnab kahapon ng US Embassy ang arrest warrant na ipinalabas ni Olongapo City Judge Renato Dilag laban sa apat na US Marines na sangkot sa Subic rape case.

Nagdesisyon sina DFA Undersecretary Rafael Seguis, Chief State Prosecutor Jovencito Zuño at ang National Bureau of Investigation (NBI) na ibalik na lamang kay Judge Dilag ang hindi naisilbing warrant of arrest laban kina Lance Corporals Daniel Smith, Keith Silkwood, Dominic Duplantis at Staff Sgt. Chad Carpentier na pawang nasa custody ng US Embassy.

Sinabi ni Zuño sa liham nito kay Dilag na nabigo silang isilbi ang arrest warrant laban sa 4 na sundalong Kano dahil nanindigan ang US embassy sa ipinadala nitong "note verbale" sa DFA na mayroon silang karapatan sa custody ng mga US servicemen sa ilalim ng RP-US Visiting Forces Agreement (VFA) pero nangakong hindi nila ito itatago kung kakailanganin ng korte.

Hiniling naman ng prosecution panel na mag-inhibit si Judge Dilag sa paghawak ng Subic rape case matapos hindi nito isama sa ipinalabas na warrant of arrest ang driver ng Starex van na si Timoteo Soriano sa mga akusado.

Iginiit naman kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat ibasura na ang VFA makaraang tanggihan ng US embassy ang isinisilbing arrest warrant laban sa mga Kano.

Sinabi ni Sen. Santiago, depektibo kasi ang VFA partikular ang probisyon ukol sa pagtrato sa mga nagkakasalang sundalong Kano habang sila ay nasa ating hurisdiksyon.

Ikinatwiran pa ni Santiago, dapat ay maging pantay ang pagtingin ng US government sa co-equal nitong estado at dapat nitong kilalanin ang ating mga batas tulad ng ginawa nitong pagkilala sa Japanese authorities ng ibigay ang custody ng isang sundalong Kano na inakusahang pumatay at nagnakaw sa Japan.

Ayon naman kay Sen. Joker Arroyo, malinaw na hindi kinikilala ng US government ang ating judicial system kaya ayaw nilang ipagkatiwala ang custody ng kanilang mga inakusahang sundalo sa Subic rape case.

Samantala, sinugod naman ng militanteng mga kabataan ang US Embassy makaraang tanggihang ibigay sa custody ng Pilipinas ang 4 na sundalong Kano.

Kinondena ng League of Filipino Students (LFS) ang pamahalaan dahil sa pagiging sunud-sunuran sa Estados Unidos matapos hindi tanggapin ng US embassy ang warrant of arrest laban sa mga akusado sa Subic rape case. (Ellen Fernando, Grace Dela Cruz, at may dagdag na ulat nina Rudy Andal at Danilo Garcia)

CHAD CARPENTIER

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DANILO GARCIA

DOMINIC DUPLANTIS

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

JUDGE DILAG

KANO

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with