Fixed term sa bagong NBI chief
January 16, 2006 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na bigyan ng fixed term ang magiging director ng National Bureau of Investigation (NBI) tulad ng ibang ahensya ng gobyerno upang hindi ito maimpluwensyahan ng Palasyo at mga pulitiko.
Ayon kay Pimentel, napapanahon ang naging mungkahi ni NBI Interpol chief Ricardo Diaz at iba pang empleyado ng NBI na dapat magkaroon ng fixed term ang magiging pinuno ng ilang ahensya ng gobyerno kabilang ang NBI upang makaiwas sa pamumulitika.
Sinabi ni Pimentel na ngayong nasa proseso pa lamang ng pagpili ang Palasyo ng susunod na hepe ng NBI matapos masawi noong nakaraang buwan si NBI director Reynaldo Wycoco ay dapat bigyang pansin din ng Malacañang ang panukalang fixed term para sa NBI chief. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended