White Ribbon kontra GMA wa epek!
January 15, 2006 | 12:00am
Walang epekto sa Malacañang ang pagtitirik ng kandilang puti ng bagong samahang "White Ribbon Movement" na nananawagan ng pagbaba sa puwesto ni Pangulong Arroyo, ayon kay Press Sec. at Presidential Spokesman Ignacio Bunye.
Ang White Ribbon Movement ay naghayag ng paniniwala na mabisa ang pagsisindi ng puting kandila para mapababa sa posisyon ang Pangulo.
Ayon kay Bunye, ang Presidente ay halal ng sambayanan at mayroon siyang mandato na tumupad ng kanyang tungkulin hanggang taong 2010.
"Pipilitin niya na gampanan iyong mandate na ito maliban nga lang kung magkaroon nang pagbabago sa Konstitusyon na raratipikahan sa isang plebisito. So the President will stick by her mandate which is given to her under the present Constitution," ani Bunye.
Inihayag pa ni Bunye na hindi mangyayari ang tinuran ng White Ribbon Movement na mayroong maghuhudas sa mga miyembro ng Gabinete ng Pangulo tulad ng ginawa sa kanya ng mga miyembro ng Hyatt 10.
Hindi na anya kailangan pa ang loyalty check dahil lahat ng miyembro ng Gabinte na naiwang sumusuporta sa Presidente ay pawang matapat sa liderato nito. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest