^

Bansa

Marcos handa sa hamong debate ni Ramos

-
Game na game o handang humarap sa hamong ‘intellectual debate’ ni dating Pangulong Fidel Ramos si Ilocos Norte Rep. Imee Marcos.

Ang pagtanggap ni Marcos sa naging hamon ni Ramos ay kasunod na rin ng ‘ word war ‘ na namagitan sa dalawa ukol sa panawagang pagbibitiw ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa puwesto.

Ayon kay Marcos, hindi niya uurungan si Ramos sa usapin ng talino kung saan ay ipakikita nitong kaya niyang tapatan ang dating lider ng bansa basta’t sabihin lamang nito kung saan at kailan gaganapin.

Nagsimula ang bangayan ng dalawa matapos tawagin ni Marcos na ulyanin , gurang at traydor si Ramos at nagbabala naman ito sa oposisyon na mag-ingat sa posibilidad na magamit sila nito.

Nauna nang nagpulong sina Ramos, Senate President Franklin Drilon at dating Senador Vicente Sotto III kung saan pawang isyu lamang sa red wine ang kanilang pinag-usapan.

Bukod naman sa debate ay hinamon rin ni Ramos ang mga batang pulitiko sa pisikal na paligsahan tulad ng push -ups, paglalaro ng golf at iba pang palaro kung saan kaya umano niyang talunin ang mga kalaban. (Malou Rongalerios )

AYON

BUKOD

DRILON

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG FIDEL RAMOS

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

RAMOS

SENADOR VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with