Noli walang balak lumipat ng istasyon
January 14, 2006 | 12:00am
Walang balak na lumipat ng istasyon si Vice President Noli de Castro matapos sibakin ng pamunuan ng ABS-CBN ang kaniyang programang Magandang Gabi Bayan (MGB) sa nasabing network na pag-aari ng pamilya Lopez.
Ayon sa reliable source, bagamat mayroong konting pagtatampo si de Castro sa mga opisyal ng Channel 2 dahil sa pagsibak sa kaniyang MGB ay wala naman itong plano na lumipat sa kalabang giant network na GMA 7.
Sinabi ng source, ayaw munang magkomento ni Kabayan hinggil sa nangyari sa kaniyang sinimulang programa na MGB at nagpapahinga muna para makaiwas sa intrigang ito.
Idinagdag pa ng impormante, hahayaan na lamang muna ni de Castro na magsalita ang pamunuan ng ABS-CBN hinggil sa pangyayari dahil sila naman ang dapat magbigay ng paliwanag hinggil sa pagkakatanggal ng MGB.
Naunang inihayag ng Bise Presidente sa panayam dito ng DZRH kamakalawa na maraming commercial load at nasa rating naman ang MGB kaya nagtataka siya kung bakit biglang sinibak ito sa ere ng ABS-CBN management .
Samantalang iginiit ng pamunuan ng ABS-CBN sa kanilang statement na walang bahid pulitika ang nangyaring pagkakasibak ng MGB bagaman ayon kay de Castro ay hindi pa niya nakakausap ang network. (Rudy Andal )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended