FVR doble kara
January 11, 2006 | 12:00am
Pinalagan ng mga kongresista ang pahayag ni dating Pangulong Fidel Ramos na dapat nang "magpakatino" si Pangulong Arroyo at paikliin ang kanyang termino.
Sa magkakahiwalay na pahayag, inakusahan si Ramos na "namamangka sa dalawang ilog" para maisulong ang Charter change nina Anakpawis Rep. Rafael Mariano, House Majority Leader Prospero Nograles, Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay.
Sinabi ni Rep. Mariano na parang siguradong-sigurado na si Ramos na nakuha niya ang oposisyon para suportahan ang Cha-cha matapos niyang bigyan ng deadline si Pangulong Arroyo na mag-resign bago sumapit ang Hunyo 30, 2007 at ideklara ang kanyang plano kung tatakbo rin bilang miyembro ng parliament.
Pero ginagamit rin anya ni Ramos ang kanyang anti-No El scenario at walang katapusang pagpapalabas ng deadline at blackmail para ipursige ang kanyang sariling agenda sa Cha-cha.
"Whether it is FVRs Chacha or GMAs Chacha, they are both not beneficial to the people," ani Mariano.
Ipinaalala rin ni Mariano na noong Hulyo 8, 2005 pinalutang ni Ramos ang Charter change bilang formula sa isang graceful exit ni Arroyo.
Kaugnay nito, sinabi ni Rep. Nograles na "unpopular" at "uncalled for" ang deadline na ibinigay ni Ramos kay Arroyo.
Nanindigan si Nograles na dapat tapusin ni Arroyo ang kanyang termino hanggang 2010 kahit na magkaroon pa ng parliamentary elections sa 2007.
Inihayag pa ni Nograles na naniniwala pa rin siyang mananatiling tapat si Ramos sa administrasyong Arroyo.
Ayon naman kina Pichay at Macarambon, walang karapatan si Ramos na husgahan si Arroyo dahil ang suhestiyon ng dating lider ay taliwas sa kagustuhan ng 13 milyong botanteng nagpuwesto kay Arroyo sa Malacañang.
Hindi anila dapat panghimasukan ni Ramos ang termino ng isang Presidente na idinikta ng Saligang Batas at ibinigay ng taumbayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest