Sec. Defensor bakasyon muna sa DENR

Inihayag kahapon ni Environment Sec. Mike Defensor na magbabakasyon muna siya bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) simula sa Biyernes matapos siyang hirangin bilang bagong Chief of Staff ni Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Sec. Defensor, ang kanyang pagsusumite ng leave of absence sa DENR ay upang pagtuunan muna ang bago niyang trabaho bilang chief of staff ni PGMA.

Wika ni Defensor, magrerekomenda siya sa Pangulo ng puwedeng pansamantalang umako ng kanyang trabaho bilang DENR chief.

Nilinaw din ng kalihim kung nanaisin naman ni PGMA na manatili na lamang siya sa Malacañang bilang chief of staff ay irerespeto niya ang desisyong ito.

"Kahit saan naman tayo basta for national interest ay magtatrabaho ako," sabi pa ni Defensor. (Angie dela Cruz)

Show comments