Sinabi ni Atty. Homobono Adaza, abugado ni Col. Daquil, nais ng kanyang kliyente na isailalim na lamang ito sa custody ng senate committee on national defense and security na pinamumunuan ni Sen. Rodolfo Biazon.
"He wants to be transferred to the custody of Sen. Biazon, he is willing to tell all but the PAF can stop him from testifying before the Senate, there is EO 464," wika pa ni Atty. Adaza.
Ipinaliwanag naman ni Sen. Biazon, hindi dapat sa kustodya ng Senado mapunta si Daquil dahil hindi pa naman ito nagiging witness o resource person ng kanyang komite.
Nilinaw pa ni Biazon, ayaw niyang maging hadlang sa imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa naging alegasyon ni Daquil sa liderato ng Air Force.
Bagkus ay nanawagan ang mambabatas kay Pangulong Arroyo na makialam na ito bilang commander-in-chief ng AFP para magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa paratang ni Daquil. (Joy Cantos/Rudy Andal)