^

Bansa

Kahirapan unahin!

-
Dapat pagtuunan ng pansin ng mga political leaders ng bansa ang pagresolba ng kahirapan at kagutuman na nararanasan ng sambayanang Pilipino sa halip na umpisahan ang 2006 nang bangayan at iringan.

Ang panawagan ay ginawa nina Reps. Isidro Real (Zamboanga del Sur) at Rodito Albano III (Isabela) bunsod sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na lalo pang dumami ang bilang nang nagugutom at naghihirap kung saan 16.7% ng pamilyang Pinoy ang nakaranas ng kagutuman nitong huling bahagi ng 2005.

Sinabi nina Reps. Real at Albano na dapat magsilbing wake-up call hindi lamang sa gobyerno kundi sa iba pang political leaders ng bansa na magtulungan upang malabanan ang kahirapan.

Kabilang sa dapat unahin ng gobyerno at oposisyon ay kung papaano makapagbibigay ng dagdag na trabaho sa mamamayan na isang paraan para labanan ang kahirapan at gutom.

Ayon pa sa mga solon, dapat na magkaisa ang ehekutibo, lehislatura at local government units sa pag-implementa ng mga kongkretong programa na direktang makapagbibigay benepisyo sa mamamayan.

Dapat anilang suportahan ng lahat ng pulitiko ang mga programa ng gobyerno para sa ika-uunlad ng bansa. (Malou Rongalerios)

ALBANO

AYON

DAPAT

ISABELA

ISIDRO REAL

KABILANG

MALOU RONGALERIOS

PILIPINO

RODITO ALBANO

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with