Ayon kay DOE Sec. Rafael Lotilla, dalawang kaso ang kinakaharap ngayon ng LPG Marketing Dealers Association na pinangungunahan ni Arnel Ty, una ang hindi nila pag-aabiso sa ahensiya ng biglaan nilang pagtataas ng P2 kada kilo o P22 kada 11 kg. cylinder ng LPG, pangalawa ay kailangang ipaliwanag ng grupo ni Ty kung rasonable ba ang kanilang ginawang pagtataas.
Maaring maharap ang grupo sa pagmumulta mula P25,000 hanggang P500,000 o pagkakabilanggo ng hanggang dalawang taon kung mapapatunayan na sila ay nagkasala sa Oil Deregulation Law.
Sa ngayon ay bumuo ang DOE ng task force sa pakikipagtulungan ng Department of Justice (DOJ) upang imbestigahan kung may nilabag ang grupo ni Ty.
Matatandaang noong Disyembre 31, 2005 ay inanunsyo ng grupo ni Ty ang pagtaas ng LPG dahil umano sa pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan. (Edwin Balasa)