^

Bansa

Pasay judge todas sa ambus

-
Hindi na umabot pa sa Bagong Taon ang judge na humahawak sa kontrobersyal na kaso ng Philippine Air Terminals Company (PIATCO) matapos itong ambusin at mapatay habang papauwi sa kanyang bahay kahapon ng tanghali sa Bacoor, Cavite.

Namatay habang ginagamot si Judge Henric Gingoyon, 53, ng Pasay City Regional Trial Court bunga ng limang tama ng bala sa katawan.

Base sa inisyal na report mula kay Provincial Director Sr. Supt. Benjardi Mantele, naganap ang insidente dakong ala-12:45 ng tanghali sa panulukan ng Soldiers Hills, Molino 4, Bacoor, Cavite.

Naglalakad umano ang biktima galing sa gym nang tambangan ng dalawang hindi kilalang mga suspek sakay ng isang asul na XRM Yamaha motorcycle.

Bagaman naisugod ang hukom sa Molino Doctor’s Hospital at inilipat sa Imus Medical Center ay hindi na rin naisalba pa ng mga doktor ang kanyang buhay dahil sa tindi ng tinamong mga tama.

Si Gingoyon ang siyang dumidinig sa kontrobersyal na kaso ng PIATCO kaugnay ng pagpapagawa ng NAIA Terminal 3.

Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya hinggil sa nasabing pagpatay kasabay ng manhunt operation laban sa mga suspek na hinihinalang mga hired killers. (Cesar Cezar at Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BACOOR

BAGONG TAON

BENJARDI MANTELE

CAVITE

CESAR CEZAR

IMUS MEDICAL CENTER

JUDGE HENRIC GINGOYON

MOLINO DOCTOR

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with