P5,000 cash gift sa PNP tapos Pasko na
December 24, 2005 | 12:00am
Pagkatapos pa ng Pasko matatanggap ng mga pulis sa buong bansa ang ipinangakong P5,000 cash gift ni Pangulong Arroyo.
Ito ang inihayag ni PNP Chief, Director General Arturo Lomibao sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa ginawa nitong inspeksiyon sa Light Rail Transit (LRT), mga malls at iba pang matataong lugar sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Manilas Finest Brotherhood Association president, SPO2 Antonio Emmanuel na kailangang magsakripisyo muna sila ngayong Pasko dahil sa selebrasyon na ng Bagong Taon nila mapapakinabangan ang naturang bonus.
Inireklamo naman ng Manilas Finest kay Lomibao ang nakatakdang pagtatanggal sa mga traffic police sa mga kalsada at pagbabawas ng 50% sa puwersa ng pulis ng Traffic Enforcement Group na itatalaga sa mga istasyon ng pulisya.
Sinabi ni Lomibao na pag-aaralan niya ang hinaing ng mga traffic police matapos na ikatwiran ni Emmanuel na posibleng lalong magbuhul-buhol ang daloy ng trapiko at tumaas ang antas ng krimen sa mga kalsada sa Metro Manila sa napipintong pagwalis sa kanila.
Bukod dito, inihayag din ng mga pulis ang hinaing nila sa kawalan ng kursong junior at senior management at leadership course sa Manila Police Academy, exemption sa training sa mga papa-retire nang pulis, pagbibigay ng PNP health card, legal assistance program, housing at scholarship sa mga dependent nila. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended