^

Bansa

EO 464 at CPR hamon kay Chief Justice Panganiban

-
Iginiit kahapon ni Sen. Edgardo Angara na ito ang tamang panahon para resolbahin ng bagong Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban ang constitutionality ng ipinapatupad na Executive Order 464 at Calibrated Preemptive Response (CPR).

Sinabi ni Sen. Angara, kailangang maresolba ng high tribunal sa pamumuno ni Justice Panganiban ang dalawang kontrobersiyal na kautusang ito ng Palasyo.

Ayon kay Angara, nakakahadlang sa trabaho ng Senado at Kamara ang EO 464 dahil hindi nakakadalo sa imbestigasyon ng Kongreso ang mga opisyal ng gobyerno.

Wika pa ng mambabatas, dapat na ring resolbahin ang legalidad ng ipinapairal na CPR ng ating kapulisan sa pagharap nila sa mga demonstrador.

Samantala, pormal na nanumpa kahapon kay Pangulong Arroyo si Panganiban.

Si Panganiban, 69, ay magsisilbi lamang ng 11 buwan dahil magreretiro na rin ito sa Disyembre 6, 2006 para sa mandatory retirement na 70-anyos. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)

ANGARA

CALIBRATED PREEMPTIVE RESPONSE

EDGARDO ANGARA

EXECUTIVE ORDER

JUSTICE PANGANIBAN

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SI PANGANIBAN

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with