^

Bansa

Labi ni Wycoco nasa Crame na

-
Dinala na kahapon sa Camp Crame ang labi ni yumaong National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco kung saan binigyan ito ng funeral honors.

Dinagsa ng mga kaanak, kaibigan at kasamahan sa trabaho ang burol ni Wycoco, 59, na binawian ng buhay noong Biyernes matapos ang 26 araw o halos isang buwang pagka-coma bunga ng hemorrhagic stroke sa Manila Doctors Hospital. Dinala ang bangkay sa Funeraria Paz sa Araneta Ave., Quezon City kung saan ito magdamag na ibinurol.

Sa Sabado ng umaga ay ililipat ang bangkay sa NBI gym bago ilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Wala pang napipili si Pangulong Arroyo na kapalit ni Wycoco.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, habang wala pang nahihirang ang Pangulo ay mananatiling officer-in-charge muna si Deputy Director Nestor Mantaring.

Una nang napaulat na dalawang retiradong general ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y nag-aagawan sa puwesto ni Wycoco.

Sinabi ni Bunye na sinuman ang mahirang ng Pangulo na ipapalit kay Wycoco ay dapat lamang na ipagpatuloy nito ang mga nasimulang programa ng dating NBI director.

Si Wycoco ay miyembro ng Phil. Military Academy (PMA) Class 1968 at naging "number two man" ng PNP bilang Deputy for Administration at naging mahigpit na kalaban ni dating PNP Chief at ngayo’y Sen. Panfilo Lacson.

Bago napuwesto sa NBI, na-assign si Wycoco sa iba’t ibang police regions ng PNP partikular na sa National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Siya rin ang itinuturing na ‘darling of the press’ ng media na nagkokober sa police beats sa Metro Manila at Camp Crame dahil sa pagiging mahusay itong public information officer bago nakamit ang pinaka-aasam na tatlong estrelya sa balikat.

Noong 2001, kabilang si Wycoco sa mga matataas na opisyal ng PNP na bumaligtad ng suporta sa pinatalsik na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Nang maging pangulo si Arroyo ay nagretiro ito sa PNP at itinalaga naman bilang NBI director.

Samantala, dinaos kahapon ng NBI ang pinakamalungkot nilang Christmas party. Inilagay naman sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa NBI compound at DOJ bilang pagdadalamhati sa pagkawala ni Wycoco. (Joy Cantos/Lilia Tolentino/Doris Franche/Danilo Garcia)

ARANETA AVE

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR NESTOR MANTARING

DINALA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

DORIS FRANCHE

FUNERARIA PAZ

JOY CANTOS

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with