Sinabi nina Senate Minority Leader Francis Pangilinan at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., ang lahat ng pamamaraan tungo sa kapayapaan ay kanilang sinusuportahan upang tuluyang makamit ang minimithi nating katahimikan.
Ayon kay Sen. Pangilinan, walang masama kung tutugunan din ng liderato ng CPP-NPA ang inilalatag na "Christmas truce" ng militar bilang paggalang sa panahon ng Kapaskuhan.
Sa panig naman ni Sen. Pimentel, ang lahat ng hakbang tungkol sa tuluy-tuloy na kapayapaan ay sinusuportahan ng oposisyon lalo na ang hakbang upang tuluyang maresolba ang rebelyon sa bansa.
Pinag-aaralan na ng liderato ng AFP ang paghahain ng unilateral military ceasefire at sa sandaling aprubahan ito ay ang Palasyo ang maghahayag ng mga detalye.
Noong nakaraang taon ay nagdeklara ang pamahalaan ng 21-day unilateral ceasefire sa hanay ng CPP-NPA. (Rudy Andal)