Itoy matapos mailibing na ang nakatatandang kapatid nitong si Antonio Ejercito noong Biyernes na namatay dahil sa colon cancer sa San Juan Medical Center noong nakalipas na Linggo.
Matatandaang pinayagan ng Sandiganbayan Special Divsion si Erap na makapunta sa burol ng kanyang kapatid sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills noong Huwebes at matulog sa bahay ng kanyang ina pagkatapos.
Bumalik muli ito sa simbahan para sa pre-burial mass ng umaga ng Biyernes subalit hindi naman pinayagan na sumama sa funeral procession dahil sa seguridad nito.
Samantala sa Disyembre 24, mula alas-5 ng hapon hanggang Disyembre 25 ng alas-5 rin ng hapon, si Estrada ay maaaring manatili sa ospital upang madalaw muli ang kanyang ina o pumunta sa bahay nito na nasa Kennedy st., Greenhills, o kung nasaan man naroon si Doña Mary.
Para sa kanyang request na New Years pass, lalabas ng kanyang rest house si Estrada sa Disyembre 31 sa alas-5 ng hapon upang muling makapiling ang kanyang ina sa bahay nito sa Kennedy st. at babalik sa Tanay sa Enero 1, 2006, sa alas-5 ng hapon.
Si Estrada ay nakaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan at kasalukuyang naka-house arrest sa villa ng pamilya Estrada sa Tanay. (Malou Rongalerios)