^

Bansa

Suicide sa LRT tumataas

- Edwin Balasa -
Mas marami umano ang nagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa riles ng Light Rail Transit (LRT) tuwing buwan ng Disyembre.

Sa panayam kay LRTA Administrator Mel Robles, sinabi nito na batay sa kanilang historical data, tuwing buwan ng Disyembre ay tumataas ng halos 50 porsiyento ang bilang ng mga nagsu-suicide lalo na sa Line-1 ng LRT o ‘yung biyaheng Monumento-Baclaran.

Dahil dito, nagpatupad ang pamunuan ng LRT ng speed precautions o babaan ang bilis ng takbo ng tren upang maalalayan ang andar kapag malapit na ito sa istasyon na kung saan kadalasang lumulundag ang mga nagtatangkang magpakamatay.

Ipinaliwanag nito na kapag papasok na ang tren sa bawat LRT station platforms ay tatakbo na lamang ito sa 15 kph upang agad na makapreno sakaling may magtangkang magpakamatay.

"Karaniwan kasing bumubuwelo pa ang mga tao na tatalon sa LRT kaya bago pa man siya makatalon ng tuluyan o kahit na nakatalon na siya ay magagawa pa rin na makapreno dahil mabagal ang takbo ng tren," pahayag ni Robles.

Base sa data ng LRT, karaniwang mga kalalakihan ang nagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon at pagpapasagasa.

Bukod sa pagpapababa ng takbo ng tren ay pinahaba pa ng pamunuan ng LRT ng 30 minuto ang kanilang oras ng serbisyo upang mas lalong makapaglingkod sa publiko ngayong kapaskuhan.

vuukle comment

ADMINISTRATOR MEL ROBLES

BUKOD

DAHIL

DISYEMBRE

IPINALIWANAG

KARANIWAN

LIGHT RAIL TRANSIT

LRT

MONUMENTO-BACLARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with