Cam, 2 pa tatanggalan ng security ng Senado
December 16, 2005 | 12:00am
Inihayag kahapon ni Senate President Franklin Drilon na aalisan na ng security ng Senado sa darating na Disyembre 19 ang jueteng witness na sina Sandra Cam at Wilfredo Mayor pati ang kontrobersiyal na witness sa "Hello Garci" na si Michael Angelo Zuce.
Sinabi ni Sen. Drilon, hanggang Disyembre 19 (Lunes) ang ipinagkaloob na security ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSAA) kina Cam, Mayor at Zuce.
Kamakalawa ay nagtungo sa Senado ang 3 witness upang hilingin na pahabain ang pagkakaloob ng seguridad sa kanila.
Sina Cam at Mayor ang tumestigo hinggil sa jueteng payola scandal kung saan ay isinangkot pa nito si Presidential Son at Pampanga Rep. Mikey Arroyo habang si Zuce naman ang tumestigo sa umanoy pandaraya ng kanyang tiyuhin na si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano noong nakaraang May 2004 elections.
Wala pa mang desisyon ang Senado kaugnay sa hinihinging extension para sa security ng tatlo. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended