Sa nakalap na ulat, may ugnayan umano ang limang opisyal sa oposisyon. Isa sa mga colonel na isinasabit sa Xmas coup ay tinanggal sa puwesto matapos akusahang sangkot sa electioneering dahilan sa pangangampanya umano sa kandidatura ni yumaong presidential candidate Fernando Poe, Jr.
Subalit nilinis sa kaso ng Supreme Court ang nasabing colonel dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Minomonitor na umano ng mga intelligence officers ng AFP ang galaw ng sinasabing mga coup plotters at isinumite na rin ang kanilang mga pangalan sa Pangulo.
Nanindigan naman si AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga na nananatiling solido ang militar. (Joy Cantos)