^

Bansa

Libreng pabahay para sa mga guro giit ni Lacuna

-
Balak magharap ni Manila Vice-Mayor Danny Lacuna ng isang petisyon para sa pagpapatayo ng mga dormitory-type na pabahay para sa mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa siyudad.

Ayon kay Lacuna, ang proyektong ito ay magbibigay ng libreng tahanan sa mga maestro na kapos ang sahod at para makaiwas din sa tumataas na pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Plano ng bise alkalde na itayo mismo sa loob ng mga eskwelahan o sa isang lupa na pag-aari ng gobyerno na malapit dito.

Ang ideya ay hinango ni Lacuna sa Hong Kong, kung saan ang pamahalaan ang siyang nagbibigay ng pabahay hindi lamang para sa mga guro kundi para sa buong kapulisan din. Ang pondong gagamitin para sa proyekto ay kukunin sa School Board ng siyudad na sa kasalukuyan ay sinasabing nagkakahalaga ng P800 milyon.

Ang libreng tirahan ay sa layuning iangat ang antas ng edukasyon sa mga mag-aaral ng siyudad at sa pagbibigay halaga sa malaking kontribusyon ng mga guro sa paghubog ng mga kabataan upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan. (Danilo Garcia)

AYON

BALAK

DANILO GARCIA

GURO

HONG KONG

MANILA VICE-MAYOR DANNY LACUNA

PARA

PLANO

SCHOOL BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with