^

Bansa

Worldwide ban sa asbestos ipinapanawagan ng ISSA

-
Inudyok ni Social Security System (SSS) president at chief executive officer Corazon S. de la Paz ang lahat ng mga bansa na ipagbawal ang paggawa, paggamit at pangangalakal ng lahat ng uri ng asbestos. Ang panawagang ito ay ginawa ni de la Paz bilang presidente rin ng International Social Security Association (ISSA) sa dinaluhan nitong 17th World Congress on Safety and Health at Work, noong nakaraang Setyembre 20, 2005 sa Orlando, Florida, USA.

Sa kanyang talumpati sa nasabing World Congress, sinabi ni de la Paz na ang paggawa at paggamit ng mapanganib na elementong ito ay patuloy na tumataas, lalo na sa mga developing countries. Mahigit 500,000 cancer-related deaths ang inaasahan sa Western Europe sa taong 2029 dahil sa paggamit ng asbestos, na napatunayang nagdudulot ng pagkakasakit, pagkabalda at kamatayan sa mga taon na-expose dito, lalo na sa lugar ng kanilang trabaho. Dahil dito, ani de la Paz, isang pasanin din sa ekonomiya at healthcare sytem ng isang bansa ang asbestos-related deaths.

Itinuturing ng ISSA, na isang organisasyon ng mga social security at pension institutions sa buong mundo, na ethical responsibility ng bawat bansa ang pagbabawal sa paggawa at paggamit ng asbestos, kahit na mayroon ding mga bansa na kumbinsido na wala o maliit lamang ang epekto sa kalusugan ng tao ang asbestos.

Ang 17th World Congress on Safety and Health at Work na may temang "Prevention in a Globalized World – Success through Partnership" ay inorganisa ng National Safety Council, ang International Labor Organization at ang International Social Security Association.

CORAZON S

GLOBALIZED WORLD

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

INTERNATIONAL SOCIAL SECURITY ASSOCIATION

NATIONAL SAFETY COUNCIL

PAZ

SAFETY AND HEALTH

SOCIAL SECURITY SYSTEM

WESTERN EUROPE

WORLD CONGRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with