^

Bansa

Subic rape case reresolbahin bago ang Pasko

-
Siniguro kahapon ng Olongapo City Prosecutor’s Office na dedesisyunan nila ang kasong rape ng 6 na US Marines bago sumapit ang araw ng Pasko.

Sa pagpapatuloy ng ikatlong preliminary investigation sa Subic rape case ay hindi sumipot ang 6 na akusadong sundalo pati ang driver ng Starex van na si Timotheo Soriano na ibinilang na ring respondent ng kaso.

Sinabi ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni, hindi nilang tinanggap ang isinumiteng affidavit ni Soriano dahil hindi ito napanumpaan sa prosecutor.

Inatasan nito ang magkabilang-panig na magsumite ng memorandum sa loob ng 10 araw.

Sa isinumiteng dokumento ng 2 ahente ng US Naval Criminal and Investigation Service sa Olongapo Prosecutors Office ay inamin ng akusadong si Cpl. Daniel Smith na nakipagtalik siya sa 22-anyos na Pinay sa loob ng starex van subalit hindi niya ito ginahasa kundi kusa itong pumayag makipag-sex.

Sinabi pa ni Smith sa NCIS na kaya lamang nagalit ang noo’y lasing na lasing na Pinay ay dahil tinawag siyang "bitch" ng isa sa kanyang kasamahan sa loob ng van.

Iginiit naman ng mga abugado ng biktima na magpapabagal sa kaso ang hindi paglutang ni Soriano sa imbestigasyon at sinisi nito ang prosecution matapos ituring na respondent ang driver ng van kaya natakot humarap sa pagdinig. (Grace dela Cruz/Jeff Tombado)

DANIEL SMITH

JEFF TOMBADO

NAVAL CRIMINAL AND INVESTIGATION SERVICE

OLONGAPO CITY CHIEF PROSECUTOR PRUDENCIO JALANDONI

OLONGAPO CITY PROSECUTOR

OLONGAPO PROSECUTORS OFFICE

PINAY

SINABI

SORIANO

TIMOTHEO SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with