250 pulis itinalaga kay Garci
December 7, 2005 | 12:00am
May 250 pulis ang mangangalaga kay dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa kanyang pagpunta sa Kongreso ngayong araw.
Ayon kay Police Security and Protection Office (PSPO) Director C/Supt. Eduardo Doromal, i-eskortan nila si Garcillano mula sa Camp Bagong Diwa patungong Kamara kung saan tetestigo ito sa pagdinig ng limang komite sa "Hello Garci" scandal ngayong alas-10 ng umaga.
Binigyang-diin ni Doromal na mananatili ang mahigpit nilang pagbabantay sa dating komisyuner hanggang may banta sa kanyang buhay. Babantayan nila ito sa tuwing ibig nitong lumabas ng kampo.
Hindi naman pahihintulutan ang sinuman na mabisita si Garcillano na walang "clearance" mula sa PSPO.
Samantala, ibinasura kahapon ng Supreme Court ang kahilingan ni Garcillano na ipawalambisa ang warrant of arrest na ipinalabas ng Kongreso dahil wala anyang batayan o merito ang nasabing petisyon.
Bunga nito, maaari pa ring damputin o arestuhin ng Kamara si Garcillano sa sandaling hindi ito sumipot ngayong araw.
Magugunita na napagkasunduan ng limang komite na babawiin lamang ang arrest order kung haharap ito sa pagdinig.
Kaugnay nito, hinamon kahapon ni Atty. Eddie Tamondong, abogado ni Garcillano, na sumailalim sa lie detector test ang mga kongresistang nag-deny na nakipag-usap sila sa kanyang kliyente noong 2004 elections.
Agad namang tinanggap nina Reps. Francis Escudero, Alan Peter Cayetano at Roilo Golez ang hamon pero sa kondisyon na sasama sa kanila si Garcillano at si Pangulong Arroyo.
Magugunitang pinangalanan ni Garcillano noong Lunes ang walong kongresista na kabilang umano sa 30 mambabatas na nakipag-usap kay Garcillano noong nakaraang halalan.
Bukod kina Escudero, Cayetano at Golez, sinasabing naki-Hello Garci rin sina Reps. Clavel Martinez, Benasing Macarambon, Rafael Nantes, Ricky Sandoval at Danilo Suarez. (Joy Cantos/Grace dela Cruz/Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended