National week of prayer idineklara
December 6, 2005 | 12:00am
Idineklara kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Nobyembre 30 hanggang Disyembre 7 bilang pambansang linggo ng pananalangin, pagtitika at pag-aayuno.
Nakapaloob ito sa Proklamasyon Bilang 949 ng kaniyang panawagan sa lahat na wakasan na ang awayang pulitikal para sa sambayanang Pilipino para mabigyang pagkakataong makapagtamasa ng kapayapaan, pagkakaisa at kasaganaan.
Binigyang diin ng Pangulo na ang tunay na kapayapaan, pagkakaisa at kasaganaan ay matatamo sa pamamagitan ng pagkakaisa ng bansa sa pananalangin sa Diyos at pagsasantabi ang sigalot ng bawat indibidwal. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest