^

Bansa

Gutierrez, bagong Ombudsman

-
Hinirang kahapon ni Pangulong Arroyo bilang bagong Ombudsman si Presidential Legal Counsel Merceditas Gutierrez kapalit ng nagbitiw na si Simeon Marcelo.

Si Gutierrez ang kauna-unahang babaeng Ombudsman sa bansa. Siya ang hahawak ng mga kaso ng katiwalian laban sa mga tao ng gobyerno.

Nangako ito na walang sisinuhin kahit balitang malapit siya kay First Gentleman Mike Arroyo. Ito’y tugon sa balitang may kinalaman ang pagiging malapit niya sa Malacañang sa bago nitong puwesto.

Dalawa ang mahigpit na nakalaban ni Gutierrez sa puwesto, sina Sandiganbayan Associate Justice Diosdado Peralta at Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez.

Bago natalagang Presidential Legal Counsel, si Gutierrez ay dalawang ulit naging acting Justice Secretary. Tapos siya ng law sa Ateneo de Manila at mayroon siyang ispesyalisasyon sa international law sa Institute of Social Studies sa the Hague, Netherlands. Graduate siya ng BS Elementary Education sa College of the Holy Spirit. (Lilia Tolentino)

COLLEGE OF THE HOLY SPIRIT

DEPUTY OMBUDSMAN

ELEMENTARY EDUCATION

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

INSTITUTE OF SOCIAL STUDIES

JUSTICE SECRETARY

LILIA TOLENTINO

LUZON VICTOR FERNANDEZ

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL

PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL MERCEDITAS GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with