Sa isinampang petition ni Atty. Jose Perito, maituturing umano na "usurpation of authority" ang ginagawang pagdinig ng grupo ni dating Vice Pres. Teofisto Guingona dahil wala namang kapangyarihan ang mga ito na maglitis ng kahit na sino.
Idinagdag pa ni Perito na isang "mockery" o pangungutya sa hudikatura ang ginagawa ng Peoples Court dahil wala namang kapangyarihan ang mga ito na magsagawa ng paglilitis.
Aniya, wala rin sa Saligang Batas ang nasabing paglilitis kaya illegal ang lahat ng aktibidad na ginagawa ng mga ito.
Samantala, inatasan naman ng SC ang mga taong nasa likod ng Peoples Court na maghain ng kanilang komento sa loob ng 10 araw hinggil sa petition ni Rep. Simeon Datumanong na humihiling na pahintuin ng Korte ang nasabing grupo sa ginagawang paglilitis kay Pangulong Arroyo.
Una nang naghain ng petition si Datumanong sa SC kung saan hiniling nito na magpalabas din ng TRO ang korte para sa pagpapahinto sa Peoples Court. (Grace Amargo-dela Cruz)