^

Bansa

Garci itutumba!

- Ni Malou Rongalerios -
May posibilidad umanong "patahimikin" si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano bago pa ito makapagsalita tungkol sa kanyang nalalaman sa kontrobersiyal na "Hello Garci" tape.

Ayon kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran, nakasalalay sa mga ibubunyag ni Garcillano ang kanyang buhay kaya dapat maging maingat ito sa mga isisiwalat niya at bantayan ang bawat niyang galaw .

Huwag din anya itong pakasisiguro na kakampi niya nga ang Malacañang lalo pa’t hindi lamang taga-oposisyon ang kanyang kausap noong nakaraang eleksiyon kundi maging mga taga-administrasyon.

Dahil dito kaya hiniling ni Beltran na isailalim sa kustodiya ng Simbahan o religious groups ang dating komisyuner at hindi dapat payagan na maibigay sa pangangalaga ng Malacañang si Garcillano sa sandaling lumutang ito sa publiko.

Kahapon ay humingi na ng saklolo sa Korte Suprema si Garcillano upang ipawalng-bisa ang arrest warrant na ipinalabas ng Kongreso laban sa kanya.

Ayon sa abogado nitong si Atty. Eddie Tamondong, walang bisa ang arrest warrant dahil hindi naman natatanggap ng kanilang kampo ang subpoena.

Hinamon din ni Garcillano ang Kongreso na bawiin ang warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanya kapalit ang tuluyan niyang paglantad sa publiko.

Ayon kay Tamondong, natatakot nang magpakita pa sa publiko ang dating komisyuner dahil sa warrant at sa P1 milyong reward na inilagay sa kanyang ulo.

ANAKPAWIS REP

AYON

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

CRISPIN BELTRAN

EDDIE TAMONDONG

GARCILLANO

HELLO GARCI

KONGRESO

KORTE SUPREMA

MALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with