AFP bumawi, 10 NPA patay din!
November 22, 2005 | 12:00am
Matapos mapatay ang siyam na sundalo sa pananambang ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Iloilo kamakalawa, 10 NPA naman ang napaslang ng militar sa isang engkwentro sa Palo, Leyte kahapon.
Kinumpirma ni Col. Lope Dagoy, commander ng 19th Infantry Batallion ng Philippine Army, sampung hinihinalang NPA ang napatay sa naganap na 40-minutong engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at sundalo sa Barangay San Agustin, Palo, Leyte.
Ayon kay Inspector Rito Pacanan, Palo police chief, ang apat sa 10 napaslang ay nakilalang sina Eufemio Barbosa, Berbabe Borra Jr., Eric Selada at Jimmy Almerino.
Ang pitong sugatan na isinugod sa Eastern Visayas Regional Medical Center ay nakilalang sina Richard Canuesta, Roel Orcida, Berlito Barbosa, Ferdinand Montangos, Mark Sonsa, Bernabe Borra Sr. at Romy Cumpiao.
Ang mga naaresto naman ay sina Arnel Dizon, Marriel Borja, Marivic Macalili, Joselito Tele, Artemio Armante, Bernardo Lantajo, Eulogio Pilapil at Baltazar Mado.
Ayon kay Col. Dagoy, bandang alas-5:45 ng madaling araw ng makasagupa ng militar ang grupo ng mga rebelde sa isang bukirin sa Barangay San Agustin.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang kanyang mga tauhan hinggil sa pagpupulong ng mga armadong grupo sa isang bahay-kubo sa Brgy. San Agustin kaya agad na nagtungo ang militar dito.
Nang maramdaman ng mga NPA ang paparating na militar ay bigla umanong nagpaputok ang mga ito hanggang sa magkaroon ng engkwentro na tumagal ng 40 minuto.
Nakumpiska ng militar mula sa mga rebelde ang 2 shotgun, 1 carbine, apat na kalibre 38 at 2 handheld radio.
Mariing kinondena naman ni Alex Lagunsad, secretary-general ng Katungod, na walang naganap na engkwentro kundi minasaker ng militar ang mga kawawang magsasaka na miyembro ng Bayan-Muna.
Ayon kay Teresita Selada, pinsan ng napaslang na si Eric Selada, magsasaka ang kanyang kaanak at hindi rebelde tulad ng akusasyon ng militar.
Samantala, iniutos naman ni Pangulong Arroyo sa AFP na puspusan ang gawing pagtugis sa mga NPA matapos patraydor na umatake ito sa militar kung saan ay nagtanim ng landmine ang mga ito na ikinasawi ng 9 na sundalo.
Sinabi ni Pangulong Arroyo, isang tahasang paglabag sa Geneva Convention ang ginawang patraydor na pag-atake ng NPA sa mga sundalo sa Iloilo.
Kinondena naman ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan ang ginawang pagpaslang sa mga miyembro ng Bayan Muna sa Palo, Leyte.
Hiniling ni Sen. Pangilinan ang totohanang imbestigasyon sa pangyayari dahil inaakusahan ng militar na ang mga magsasaka ang unang nagpaputok sa mga sundalo habang iginiit naman ng Bayan Muna na lehitimong magsasaka ang mga ito na nagsasagawa lamang ng protesta laban sa isang panginoong may lupa na ayaw ipamahagi ang bukirin nito. (Joy Cantos, Lilia Tolentino at Rudy Andal, may dagdag na ulat ni Miriam Desacada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended