British national na may bomba, timbog sa airport
November 20, 2005 | 12:00am
Kalaboso ang isang British national na nairita sa pagrikisa sa kanya ng isang non-uniform personnel (NUP) ng Philippine National Police Aviation Security Group dahil sa pabirong pagsasabi na may bomba siyang bitbit sa kanyang handbag habang nasa final security check sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.
Kinilala ni P/Supt. Francisco Pablo Balagtas, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS) ng PNP-ASG, ang pasahero na si Yuen Yuen Cheng, 47, ng Brgy. Sta. Maria, Zamboanga City, papunta siyang Hong Kong nang mainis ito sa isang frisker na kumakapkap at nagrerekisa sa kanyang dalang bagahe.
Si Cheng na may passport no. 751273190 kasama ang kanyang mga magulang ay inaresto ng mga awtoridad dakong alas-12:55 sa mismong security final check, ilang oras bago sumakay sa PR flight 306 patungong Hong Kong.
Sinabi ni Balagtas na habang kinakapkapan ni NUP Victoria Bernardo si Cheng ay bigla itong nagsalitang may dala siyang bomba sa bagahe dahilan upang suriing maigi ng mga awtoridad ang umanoy pabirong sinabi nito.
Sa panayam kay Cheng, sinabi niyang nagbibiro lamang siya dahil sa pagiging arogante umano ni Bernardo.
Gayunpaman, si Cheng ay sinampahan pa rin ng kasong paglabag sa violationn of PD 1727 o unlawful acts dahil sa malisyosong impormasyon na galing mula sa kanyang bibig. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest