^

Bansa

CHR sa TMG: Patunayan ang anggulo ng self defense

- Doris Franche-Borja -
Tila nalalagay na naman sa panibagong problema ang Traffic Management Group (TMG) matapos na obligahin ito ng Commission on Human Rights (CHR) na ipaliwanag na self-defense ang kanilang ginawang muling pamamaril sa isang umano’y carjacker na si Francis Xavier Manzano.

Ayon kay Commissioner Wilhelm Soriano, dapat na patunayan ng TMG na banta si Manzano kung kaya’t napilitan ang mga pulis na muli itong ratratin sa naganap na shootout sa Ortigas.

Aniya, sapat na ang kanilang hawak na ebidensiya na magsasabing rubout ang naganap at hindi shootout tulad ng iginigiit ni Chief Supt. Augusto Angcanan ng TMG. Gayunman, binibigyan pa nila ng pagkakataon ang TMG na isumite ang kanilang ebidensiya upang makumbinse sila na shootout ang nangyari.

Matatandaan na iginiit ni Soriano na batay sa PNP-Special Operations Procedure, dapat na dalhin sa ospital ang biktima at suspect na nasugatan upang mabigyan ng medical assistance.

Subalit ang regulasyong ito ay agad na kinontra ni Angcanan sa pagsasabing mas binigyan ng halaga ng kanyang pulis na muling paputukan si Manzano nang makita niya itong gumalaw. Si Manzano ay nagtamo na ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo bago pa man muling paputukan ng pulis.

Nagtataka rin si Soriano kung bakit naging banta si Manzano sa mga TMG police samantalang sa video ng UNTV at sa unang report ng pulisya, lumilitaw na walang baril sa Manzano na nakaupo sa likuran ng Nissan Exalta kasama sina Brian Dulay at Anton Cu-Unjieng.

ANTON CU-UNJIENG

AUGUSTO ANGCANAN

BRIAN DULAY

CHIEF SUPT

COMMISSIONER WILHELM SORIANO

FRANCIS XAVIER MANZANO

HUMAN RIGHTS

MANZANO

NISSAN EXALTA

SI MANZANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with