^

Bansa

‘Pork’ ng M’cañang ibibigay sa DepEd

-
Iginiit kahapon ni Sen. Jinggoy Estrada na ilipat na lang sa Department of Education (DepEd) ang P16.7 pork barrel ng Palasyo para naman mapakinabangan ng mga dukhang mag-aaral sa bansa.

Ayon kay Sen. Estrada, mas maganda kung sa DepEd na lang ito ibigay dahil marami pa ang makikinabang sa halip na sa Palasyo na wala pang linaw ang kanilang programa kung saan ito mapupunta.

Nauna rito, nabigong makumbinsi ng mga kinatawan ng gobyerno ang Senado na ibigay ang pork barrel sa Palasyo partikular na ang P3-B para sa Kalayaan Barangay Program Fund at ang P13.7-B Healing Fund, kabilang na ang P5-B na nakalaan sa Kilos Asenso Support Fund.

Sa paliwanag ni Budget Sec. Romulo Neri, ang P13.7 Healing Fund ay para mapalapit ang gobyerno sa mga kumontra sa kanila noong EDSA 1 at 2, habang ang Kalayaan barangay program naman ay nakalaan sa 500 barangay para ayusin ang kanilang mga imprastraktura.

Nais naman ni Sen. Ralph Recto na ilaan na lamang ito sa pagpapagawa ng 10,549 classrooms, 12,131 teachers, 67-M aklat at 1.2-M mga upuan.

Sa patuloy na pagdinig ng comittee of the whole kung saan isinalang ang mga opisyal ng DepEd, nag-sorry kay Estrada at sa Senado si Catanduanes Superintendent Thelma Bueson na inakusahan ni Estrada na yumurak sa dangal ng mga artista at basketbolista matapos magpalabas ng memo si Bueson na huwag iboto sa eleksiyon ang mga kakandidatong artista at basketbolista. Nabigo naman si Estrada na ipasuspinde si Bueson. (Rudy Andal)

B HEALING FUND

BUDGET SEC

BUESON

CATANDUANES SUPERINTENDENT THELMA BUESON

DEPARTMENT OF EDUCATION

HEALING FUND

JINGGOY ESTRADA

KALAYAAN BARANGAY PROGRAM FUND

PALASYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with