Ito ang paglilinaw ng Malacañang sa naglabasang mga ulat na binigyan ng pahintulot ni Pangulong Arroyo ang request ng Amerika na ilipat ang anim na sundalong Kano sa Okinawa, Japan.
"The transfer of trial is out of the question," ani Press Secretary Ignacio Bunye.
Ayon kay Bunye, hindi nagbabago ang paninindigan ng pamahalaan na isusulong ang paghahanap ng hustisya sa biktima sa sarili nating teritoryo.
Bilang reaksiyon, sinabi naman ni administration Sen. Joker Arroyo na dapat lamang panatilihin sa Pilipinas ang anim na sundalo dahil lalabas na hindi kayang protektahan ng pamahalaan ang ating kababaihan mula sa mga sexual terrorists.
Ani Sen. Arroyo, sa oras na makalabas ng bansa ang mga akusado, malamang hindi na umusad ang kaso laban sa mga ito.
Kung itatakas naman ng US govt ang kanilang mga kababayan ay tiyak na iinit ang usapin sa pagbasura ng Visiting Forces Agreement (VFA), wika ni Arroyo. (Lilia Tolentino/Rudy Andal)