^

Bansa

LPG pumalo na sa P500/tangke

-
Umakyat na sa pinakamataas na presyong P500 kada tangke ang liquified petroleum gas (LPG) matapos muli na namang magtaas ang mga kompanya ng langis ng P1 kada kilo o P11 kada tangke sa kanilang produkto.

Sinimulan kahapon ng Shell, Caltex at Total ang nasabing pagtaas bilang huling bahagi ng P4.27 installment hike nang biglang tumaas ang presyo ng LPG sa world market nitong nakaraang buwan, mula $440.2 kada metriko tonelada noong Setyembre ay naging $519 ng pumasok ang Oktubre.

Dahi dito kinailangang bawiin ng mga kumpanya ang luging P4.72 subalit pinakiusapan ng Deparment of Energy na kung maaari ay huwag biglain at gawing lingguhan ang gagawing increase na sinang-ayunan naman ng mga oil companies.

Inaasahan namang susunod ang iba pang kompanya ng petrolyo sa nasabing price hike ng kaparehas na presyo.

Dahil dito naglalaro na sa P500 hanggang P510 ang presyo ng LPG sa lokal na pamilihan. (Edwin Balasa)

CALTEX

DAHI

DAHIL

DEPARMENT OF ENERGY

EDWIN BALASA

INAASAHAN

OKTUBRE

SETYEMBRE

SINIMULAN

UMAKYAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with