^

Bansa

People’s Court paninira lang ng oposisyon kay GMA – solons

-
Naniniwala ang mga kongresista na walang kahihinatnan ang gagawing ‘people’s court’ ng oposisyon, kundi ang siraan lamang si Pangulong Arroyo.

Sa pinagsamang pahayag, sinabi nina Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina at Bacolod city Rep. Monico Puentevella na ituturing lamang ng taumbayan na isang pang-iingay ng oposisyon ang nasabing paglilitis hinggil umano sa mga kasalanan ni Ginang Arroyo dahil hindi naman magiging patas ang gagawing proseso at walang hustisyang makukuha ang sambayanan sa people’s court’ ng Citizens’ Congress for Truth and Accountability.

Hinikayat pa ng mga kongresista ang taumbayan at maging ang media na huwag nang magsayang ng oras at panahon sa panonood sa gagawing paglilitis.

Ang mga positibong kaganapan sa larangan ng ekonomiya ang dapat pinag-uusapan ng taumbayan dahil nagpapakita ito sa katatagan ng liderato ng gobyerno sa harap ng kaliwa’t kanang batikos na inabot nito sa kamay ng oposisyon.

Anila, pawang mga kritiko ni Pangulong Arroyo ang bubuo sa tinaguriang people’s court at walang saysay ang kalalabasan nito dahil tinuldukan na ng Kongreso ang mga inihaing reklamo laban kay Ginang Arroyo.

Ipinagdiinan din ni Puentevella na wala namang mahihita ang taumbayan sa isasagawang paglilitis umano, kundi gagamitin lamang ito ng oposisyon upang muling yurakan ang pagkatao at integridad ng Pangulo sa pamamagitan ng paglalabas ng mga may kinikilingang testigo at dokumento.

Umapela rin ito sa taumbayan na huwag bigyan-pansin ang gagawing paglilitis ng oposisyon dahil nais lamang ng mga ito na manatili ang kawalan ng katatagan sa larangan ng pulitika. (Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANILA

BACOLOD

GINANG ARROYO

ILOCOS SUR REP

MALOU RONGALERIOS

MONICO PUENTEVELLA

PANGULONG ARROYO

SALACNIB BATERINA

TRUTH AND ACCOUNTABILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with