Gayunman, nilinaw ng DepEd na walang layuning kondenahin o ipahiya ang mga kabataang masusumpungang gumamit ng ipinagbabawal na gamot sa halip ay layunin nitong bigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay.
Matatandaang dalawang taon na ang nakalipas mula ng isagawa ang ganitong programa sa buong Pilipinas.
Ipapaliwanag ng nabanggit na programa sa mga mag-aaral ang masamang epekto ng droga at kung paano maiwasan ang pagka-trauma dito.
Pananatilihing confidential ang identity o pagkakakilanlan ng mga mag-aaral na magiging positibo.
Kukuha ang DepEd ng 350 estudyante mula sa pipiliing 13 paaralan mula sa ibat ibang rehiyon sa bansa at isasailalim sa nabanggit na random drug test. (Edwin Balasa)