Income Tax rates ibababa
November 3, 2005 | 12:00am
Bilang tulong sa sambayanan na maaapektuhan ng EVAT, isinulong ang House bill 4865 nina Akbayan Reps.Theresa Hontiveros-Baraquel, Mario Aguja at Loretta Ann Rosales para amyendahan ang Section 24 ng National Internal Revenue Code of 1997 na magbibigay ng exemptions sa mga manggagawa na kumikita lamang ng P50,000 pababa sa loob ng isang taon. Sa kasalukuyang taxation scheme para sa mga individual, ang isang teacher na kumikita ng P9,939.00/buwan o P119,268.00 kada taon ay magbabayad ng income tax na P18,353.60. Sa ilalim ng panukala, ang isang guro ay magbabayad lamang ng P8,104.84 o difference na P10,248.76. (Malou Rongalerios)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended