Mga DH sa Singapore gwardyado ng security cameras
November 3, 2005 | 12:00am
Pinaghahain ng Migrante sectoral group ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa bansang Singapore dahil sa mala-kriminal na pagtrato sa mga overseas Filipino workers kung saan ang isang domestic helper ay binabantayan ng halos 10 security cameras sa isang apartment.
Ayon kay Connie Bragas-Regalado, chairperson ng Migrante, malinaw na diskriminasyon at kawalan ng tiwala ang nararanasan ng mga OFWs sa Singapore na binabantayan ng napakaraming security cameras habang nagtatrabaho.
Ayon pa kay Regalado, sa ilalim ng Vienna Convention on Consular Relations kung saan signatories ang Pilipinas at Singapore, obligasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na palagan ang discriminatory na patakaran.
Umaabot sa 140,000 kasambahay ang nasa Singapore kung saan nagmula sa Pilipinas, Indonesia at Sri Lanka ang karamihan. (MRongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest