^

Bansa

SEA Games target ng terror attack

-
Hindi umano ang mga sementeryo ang target ng mga teroristang nasa bansa ngayon kundi ang Southeast Asian Games na idaraos sa darating na Nobyembre 27.

Ibinulgar kahapon ng isang intelligence officer mula sa National Anti-Terrorism Task Force na humiling na huwag magpabanggit ng pangalan na naging mapayapa ang selebrasyon ng Undas dahil wala naman silang intelligence report na natanggap na magsasagawa ng pagsalakay sa araw na ito ang mga terorista.

Ang pinangangambahan umano nila ngayon ay ang ulat na tunay na target ng terror attack ang SEA Games kung saan dadagsa ang mga dayuhang manlalaro at manonood.

Sinabi ng source na layunin ng Jemaah Islamiyah na gumawa ng senaryo na may "international impact" tulad ng nangyaring pambobomba sa Bali, Indonesia.

Sa kabila nito, nahihirapan naman ang mga intel operatives na tukuyin kung saang lugar sa bansa isasagawa ang pagsalakay dahil kalat ang venue ng SEAG sa iba’t ibang sport events nito.

Kabilang sa mga lugar na tinututukan ay ang Maynila kung saan karamihan ng events ay gaganapin sa Rizal Sports Complex, Cebu at Subic.

Malaking dagok umano sa kanilang kampanya laban sa terorismo ang pagkakalaya ni Dawud Santos, lider ng grupong Rajah Sulayman Group dahil sa pagpayag ng korte na mapiyansahan ito.

Bukod dito, patuloy pa rin ang banta sa Metro Manila ng ulat na ilang miyembro ng JI ang nasa paligid lang. (Danilo Garcia)

BUKOD

CEBU

DANILO GARCIA

DAWUD SANTOS

JEMAAH ISLAMIYAH

METRO MANILA

NATIONAL ANTI-TERRORISM TASK FORCE

RAJAH SULAYMAN GROUP

RIZAL SPORTS COMPLEX

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with