^

Bansa

Daboy sinampahan ng kasong frustrated homicide

-
Sinampahan kahapon ng kasong frustrated homicide sa Pasig Prosecutor’s Office ang action star na si Rudy Fernandez dahil sa pambubugbog, panunutok at pamamalo ng baril nito sa isang consultant sa loob ng opisina ng Viva Entertainment noong Martes sa Ortigas, Pasig City.

Dakong alas-3 ng hapon nang magtungo ang biktimang si Robert "Robby" Tarroza, 34, residente ng Unit 3524 Mega Plaza Condominium, ADB Avenue, Ortigas Center ng lungsod na ito sa Prosecutor’s Office upang pormal na maisampa ang demanda laban kay Fernandez.

Si Tarroza ay sinamahan ng kanyang matalik na kaibigan at dating aktor na si Joed Serrano na umuwi pa ng Pilipinas mula sa Japan upang magbigay-suporta sa kaibigan.

Sa panayam kay Tarroza, sinabi nitong wala nang urungan ang nasabing kaso at kahit sino pa ang mamagitan ay hindi niya ito pagbibigyan.

Matatandaang noong Martes ng gabi ay pinagsusuntok ni Fernandez, binutukan at tatlong beses pinukpok sa ulo ng baril si Tarrosa nang magkita ang dalawa sa opisina ng Viva Entertainment na matatagpuan sa Tektite East Tower, Ortigas Center ng lungsod na ito.

Sa isang panayam, itinanggi naman ni Fernandez na may dala siyang baril nang maganap ang insidente at sinabing cellphone lang umano ang kanyang ipinangpukpok sa biktima.

Subalit sinabi ni Tarrosa kahapon na mismong si Viva boss Vic del Rosario ang nakasaksi sa insidente at isang Zenaida Reyes na makapagpapatunay na baril ang pinangpukpok nito sa ulo. (Edwin Balasa)

vuukle comment

EDWIN BALASA

FERNANDEZ

JOED SERRANO

MEGA PLAZA CONDOMINIUM

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY

PASIG PROSECUTOR

RUDY FERNANDEZ

SI TARROZA

VIVA ENTERTAINMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with