Michael Ray binasahan ng sakdal sa US
October 22, 2005 | 12:00am
Taliwas sa inaasahan na magkakaroon ng plea bargaining, not guilty ang inihain ni dating PNP Supt. Michael Ray Aquino sa kasong espionage sa isinagawang arraignment nitong nakaraang Huwebes sa New Jersey, USA.
Sa ulat na nakarating kay NBI-Interpol chief, Atty. Ric Diaz, ang abogado ni Aquino na si Mark Berman ang nagpahayag ng not guilty plea habang nanonood lamang ito kasama ang asawang si Fatima habang dumalo rin si Consul Lourdes Legaspi ng Philippine Consulate General sa New York.
Dahil sa naturang not guilty plea, humiling si Federal Prosecutor Asst. US Attorney Karl Busch na isagawa ang trial ng kaso matapos ang siyam na buwan dahil sa kailangan nila ng sapat na panahon para maghanda dahil sa pagiging sensitibo ng kaso.
Sa naturang hearing, sinabi ni Busch kay US District Judge William Walls na maaaring makapagsampa pa ng iba pang kaso laban kay Aquino. Sinabi nito na umaabot na sa 2,000 electronic mails ang narekober nila rito.
Tumanggi naman si Walls sa naturang kahilingan ngunit itinakda niya na magkita muli ang magkabilang partido sa Enero 17, 2006 upang itakda ang trial calendar.
Dahil sa not guilty plea, sinabi ni Diaz na hindi na magkakaroon ng plea bargaining agreement ang US government at si Aquino kung saan inaasahan ang kooperasyon nito upang matukoy ang mga Pilipinong pulitiko na kasabwat nito sa umanoy pagnanakaw ng mga impormasyon kapalit ng mas mababang sentensya.
Sa kabila nang pagre-reset ng pagdinig, magiging mabilis naman umano ang takbo ng kaso ni Aquino sa oras na maumpisahan na ito sa Enero dahil iba ang judicial system ng US kumpara sa Pilipinas.
Hindi rin umano alam ng pamahalaan ng Pilipinas ang magiging tsansa ni Aquino sa kaso dahil ang US government ang may buong hurisdiksyon dito.
Kapag napatunayang nagkasala, makukulong si Aquino ng hanggang 10 taon at multang $250,000.
Hindi naman isinailalim sa pagdinig ang umanoy kasabwat ni Aquino na si FBI analyst Leandro Aragoncillo. Una nang naiulat na sasailalim sa plea negotiation si Aragoncillo. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am