Speakership di kayang agawin ni Pichay JDV
October 22, 2005 | 12:00am
Dahil sa solidong suporta ng Sunshine Coalition, naniniwala si Speaker Jose de Venecia Jr. na hindi siya matatalo ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay sakaling matuloy ang labanan nila sa speakership.
Sa isang panayam, sinabi ni de Venecia na solid pa rin sa kanya ang Sunshine Coalition na kinabibilangan ng Lakas-CMD, Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi), Nationalist Peoples Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), Liberal Party (LP) at party-list representatives.
Napaulat na balak ni Pichay na sungkitin ang puwesto ni de Venecia dahil sa isyu ng Charter Change na magpapaikli ng termino ni Pangulong Arroyo. Kilala si Pichay na malapit kay First Gentleman Mike Arroyo.
Si Negros Oriental Rep. Jacinto Paras ang nagbunyag na ginagapang na ni Pichay ang puwesto ni de Venecia.
Ayon kay Paras, 65 kongresista na ang nahihimok ni Pichay na sumuporta sa kanya kapag kumandidatong Speaker.
Idinagdag naman ni de Venecia na sanay na siya sa isyu kung saan palaging may nagtatangkang umagaw ng kanyang posisyon bilang Speaker.
Bago mag-recess ang Kongreso, nagmosyon si Zamboanga del Sur Rep. Antonio Cerilles, kasapi ng NPC, na ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa Kamara de Representantes. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended