Ang karagdagang P20 sa taxi rate ay inihayag ni Philippine National Taxi Operator Association president Bong Suntay bunsod ng inaasahang pag-akyat sa halagang P40 sa presyo ng gasolina sa sandaling ipatupad ang Expanded Value Added Tax (E-VAT) sa darating na Nobyembre.
Ayon kay Suntay, hindi na sa flagdown rate ang kanilang hihilinging P20 dagdag sa pasahe at hindi rin sila hihingi ng karagdagang piso kada metrong takbo nito dahil masyado umanong mabigat ito sa pasahero.
Mas mabuti umanong dagdagan na lang ng mga pasahero ng P20 ang rate ng kanilang taxi.
Mainam na rin umano ang kanilang gagawing petisyon dahil makakatipid pa rin ito sa mga taxi operators at hindi na nila kailangang gumastos pa sa calibration sa LTFRB. (Edwin Balasa)