NAIA nabalot ng tensyon dahil sa bomb threat
October 18, 2005 | 12:00am
Binalot ng tensyon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon makaraang makatanggap ng bomb threat ang Singapore Airlines mula sa lalaking caller na hindi nagpakilala.
Sa ulat ni MIAA assistant general manager for security and emergency services (ret.) Gen. Angel Atutubo kay MIAA general manager Alfonso Cusi, natanggap ni Frances Reyes, ground crew ng Singapore Airlines ang tawag bago mag-ala-1 kahapon ng hapon.
Nakatakda namang dumating sa NAIA ang Singapore Airlines flight SQ 072 buhat Singapore dakong ala-1:30 ng hapon, at aalis naman dakong alas-2:15.
Lulan ng eroplanong pabalik ng Singapre ang 157 pasahero sa economy station, 11 passengers sa 1st Class at 30 pasahero sa business class, tatlong piloto at 15 cabin crew.
Ayon kay Reyes, sinabi ng caller na siya ay taga-Maharlika Village sa Taguig at ipinarating niya ang impormasyong merong sasabog na bomba sa loob ng eroplano.
Idinagdag pa ng caller na kaya niya ipinagbigay-alam ang impormasyon ay dahil nakokonsiyensiya siya at naaawa sa mga inosenteng pasahero. Ganito rin ang sinabi ng caller nang tumawag ito sa Airport Security Command (ASC) ilang minuto makaraang tumawag sa Singapore Airlines.
Agad namang dinispatsa ng PNP-Aviation Security Group (ASG) at ng Airport Police Department ang kani-kanilang tauhan buhat sa Special Operations Unit (SOU) at K9 Team para sa kaukulang bomb inspection.
Ayon kay Gen. Atutubo, hindi pa naikakarga ang bagahe ng mga paalis na pasahero ng Singapore Airlines nang tumawag ang caller kayat hindi naging sagabal ito sa isinagawang bomb panelling sa loob ng eroplano.
Dakong alas-2:45 nang ideklarang ligtas ang eroplano sa anumang uri ng pampasabog samantalang kasalukuyang ginagawaran ng bomb panelling ang mga bagahe sa isang remote parking area.
Tiniyak naman ng Singapore Airlines na makakaalis ang eroplano kapag natapos na ang panelling sa mga bagahe. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am