Terminal 3 pabor sa turismo
October 12, 2005 | 12:00am
Ang pagbubukas ng NAIA Terminal 3 ay makapagpapasigla sa tourism industry sa Pilipinas, ayon kay Henry Babiera, kilalang antique dealer sa Southeast Asia.
Sa tala ng Department of Tourism (DOT), may 1.52 milyong turista ang dumating sa bansa hanggang Hulyo at posibleng aabot hanggang 2.65 milyon hanggang sa katapusan ng taong ito.
Sinabi ni Babiera na kung marami ang turista, sisigla rin ang ibang sektor tulad ng retailing industry. Darayo ang mga ito sa mga shopping mall at tiyak na mamimili ng mga produktong gawa sa Pilipinas.
Dahil dito ay inirekomenda ni Babiera ang Greenhills Shopping Complex, ang tahanan ng pinakamahusay na tiyangge sa Pilipinas. Kasalukuyang idinaraos dito ang 12th Philippine Toys, Gifts, Housewares & Christmas Decors Fair na tatagal hanggang Nobyembre 4, 2005. Sa Greenhills, tiyak anyang madarama ng mga dayuhang bisita kung paano ipinagdiriwang ng mga Pinoy ang Pasko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended