Caregivers sadya ng Japanese mission team

Dumating kahapon sa bansa ang Japanese mission team na tutulong sa mga Pinoy para sa posibleng trabaho bilang nursing care specialists o caregivers. Ayon kay Philslife board trustee Henry Halasan, oobserbahan ng grupo ang sistema ng nursing care sa Pilipinas at titingnan kung mayroong dapat baguhin o idagdag sa training ng Filipino caregivers at nurses para magamit sa pangangailangan ng mga elderly sa Japan.

Sinabi pa ni Halasan na malaki ang posibilidad na kumuha ng Filipino care givers at nurses ang Japan. (Butch Quejada)

Show comments