Inihayag ito nina Undersecretary Ricardo Blancaflor ng Anti-Terrorism Task Force at retired Gen. Benjamin Defensor, Ambassador-at-Large for Counter Terrorism sa ginanap na press briefing kahapon.
Sinabi ng dalawang opisyal na tanging mga sibilyan lang ang mapagkakalooban ng gantimpalang salapi kung makapagbibigay sila ng impormasyong magiging daan sa pagkakaaresto ng dalawa.
Ang alok na reward money ay ginawa ng US government para maganyak ang pakikipagtulungan ng publiko sa pagbibigay ng impormasyong tutukoy sa kinaroroonan ng JIs na pinaniniwalaang nagtatago sa Mindanao.
Ang impormasyon ay puwedeng itawag sa US Embassy sa Pilipinas, US military commander at alinmang embahada ng US at US mission o Rewards for Justice staff via e-mail sa tel. blg. 1-800-877-3972.
Sinabi ni Defensor na base sa intelligence report na kanilang natanggap kina Dulmatin at Umar Patek ay may 4 na buwan nang nakapasok ang mga ito sa Mindanao.
Pero nilinaw naman ni Blancaflor na ang pagkakapasok sa Mindanao nina Dulmatin at Umar Patek ay hindi nangangahulugang madaling mapasok ng terorista ang bansa. (LATolentino)