Gonzales tawag uli ng Senado

Maaaring ipatawag ulit sa Senado si National Security Adviser Norberto Gonzales para magbigay ng briefing tungkol sa seguridad ng bansa kaugnay sa naganap na panibagong pambobomba sa Bali, Indonesia.

Ayon kay Sen. Ralph Recto, habang abala ang lahat sa pulitika ay baka tayo naman ang atakihin dahil kasama ang Pilipinas sa mga bansang pinagkukutaan ng mga terorista kaya dapat anyang harapin naman ang terorismo.

Puwede anyang isama ni Gonzales ang mga opisyal ng militar at pulisya sa kanyang pagdalo dahil nakasalalay dito ang ating national security.

Ayon naman sa Malacañang, padadaluhin lamang nila si Gonzalez kung tatanggalin ang ipinataw na contempt order dito.

Hindi anya tutol si Pangulong Arroyo na dumalo ang kanyang mga opisyal sa mga pagdinig sa Kongreso basta lehitimo ang mga isyu at hindi gagamitin sa pamumulitika.

Ang Executive Order 464 ang nagbabawal sa mga miyembro ng Gabinete, mga opisyal ng militar at pulisya na humarap sa Congressional hearings ng walang pahintulot mula sa Palasyo. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)

Show comments