^

Bansa

Bro. Eddie: Foul ‘yan!

- Nina Ellen Fernando At Gemma Amargo-Garcia -
"Political harassment!"

Ito ang sigaw kahapon ni dating presidential candidate Bro. Eddie Villanueva kaugnay ng warrant of arrest sa kanya dahil sa kasong estafa.

Sa isang panayam, sinabi ni Villanueva na ang naghabla sa kanya ay ang negosyanteng si Benito Araneta na malapit na kaanak ni First Gentleman Mike Arroyo. Nilinaw ni Villanueva na ang kaso ay kaugnay ng pagkansela ng kanyang pinamumunuang ZOE Television sa multi-milyong kontratang pinasok kay Araneta.

Ginamit umano ng grupo ni Araneta sa loob ng isang taon ang ZOE Television pero napilitan ang himpilan na kanselahin ang kontrata dahil sa milyun-milyong pisong ‘di nababayaran ni Araneta.

Dahil sa pangyayari, si Araneta pa ang nagdemanda kay Villanueva.

Sa reklamo ni Araneta, binayaran nito si Villanueva ng halagang P15 milyon na nilagdaan noong Marso 2001 at Hunyo 15, 2001 para sa paglilipat ng operasyo at pamamahala ng Channel 11 sa kumpanya ng una. Si Villanueva ang tumatayong chairman at president ng ZOE Brodcasting Network Inc. na ino-operate ng Channel 11. Tumakbo ito sa ilalim ng Bangon Pilipinas Movement noong 2004 elections at siya ring founding member ng Jesus Is Lord (JIL).

Itinuro ni Villanueva ang Malacanang na may "pakana" sa pagbuhay sa kanyang kaso matapos ang hayagang pagbatikos nito sa Arroyo administration at pagsuporta sa Hyatt 10 na dumalo sa anibersaryo ng JIL sa Quirino Grandstand nitong nakaraang Linggo.

Samantala, nagpalabas na ng direktiba si Justice Secretary Raul Gonzales sa National Bureau of Investigation (NBI) na kaagad arestuhin si Villanueva. Inihain ang warrant of arrest sa tanggapan nito sa Pasig City.

ARANETA

BANGON PILIPINAS MOVEMENT

BENITO ARANETA

BRODCASTING NETWORK INC

EDDIE VILLANUEVA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JESUS IS LORD

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with