^

Bansa

EO 464 kinontra sa Supreme Court

-
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga militanteng Kongresista at grupo ng mga abogado upang pigilan at kuwestiyunin ang implementasyon ng Executive Order 464 ni Pangulong Arroyo na nagbabawal sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na dumalo sa mga Congressional inquiries ng hindi nagpapaalam sa Malacañang.

Sa inihaing petition for certiorari with prohibition and Temporary Restraining Order (TRO) nina Reps. Satur Ocampo, Teddy Casino, Liza Maza, Crispin Beltran, Rafael Mariano at Joel Virador sinabi ng mga ito na labag sa saligang batas ang kautusan ng Pangulo at hiniling na pagpaliwanagin ng Korte Suprema si Executive Sec. Eduardo Ermita kasunod ng EO 464.

Labag din umano sa Konstitusyon ang EO 464 dahil nakasaad na hindi kailangan ang permiso ng Pangulo ng bansa kapag ipinatawag ng Kongreso ang mga opisyal o kawani nito para dumalo sa hearing.

Partikular na hiniling ng mga militanteng kongresista sa SC na ipawalang bisa ang nasabing kautusan, pagbawalan ang Pangulo na magpatupad ng kaparusahan sa mga opisyal na lalabag sa EO 464 at magpalabas ng TRO sa pagpapatupad nito.

Sa petisyon naman ng Alternative Law Groups Inc. (ALG), inakusahan ng mga ito ang Pangulo na nagtatago sa isang executive privilege upang tapakan ang sagradong kalayaan ng pagbibigay impormasyon, kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag ng mga ito.

Samantala hindi naman nababahala si Justice Sec. Raul Gonzales sa pag-akyat sa Korte Suprema ng naturang grupo, dahil inaasahan na umano ito ng administrasyon.

Kung anuman umano ang maging hatol ng Kataas-taasang Hukuman ay handa itong respetuhin ng gobyerno subalit sa kasalukuyan ay buo ang kanilang paninindigan na legal ang EO 464 at tuloy ang implementasyon nito. (Gemma Amargo-Garcia)

ALTERNATIVE LAW GROUPS INC

CRISPIN BELTRAN

EDUARDO ERMITA

EXECUTIVE ORDER

EXECUTIVE SEC

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOEL VIRADOR

KORTE SUPREMA

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with